Tuesday, August 16, 2011

Eksenahan Part 2

Kinabukasan, laman ako ng tuksuhan.
Alam ko kung bakit, pero gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari.
Kahit di nila binabanggit ang pangalan ko, alam kong ako ang pinag-uusapan nila.
Mega-deny naman ako, dahil hindi parin bumabalik ng buo ang diwa ko.

Dahil sa palitan nila ng kwentuhan, ng mga parinig, napagtagni-tagni ko na kung ano talaga ang nangyari noong gabing iyon.
Nasa kainitan kami ng pagbi-bingo.
Taya... alog... tagay... talo.

Nararamdaman ko ng umiinit ang pakiramdam ko, humihilab ang sikmura, naduduwal sa sobrang dami ng nakain? o dahil sa tagay na sunod-sunod.
Naisip ko, sheeeet, matutulog na nman akong lasing, wala na namang mangyayari sa akin ngayong gabi.
Pinaghandaan ko na ito, na dapat may mangyari.
Nasa isip ko ng gagahasain ko si Boy. Anuman ang mangyari.

Pero nagkamali na nman ako ng tantiya.
Naaaninag ko ang mukha ni Garampingat, nakangiti, na para bang sinasabing, "Akin siya."
Wala akong magawa, nakasubsob na sa inodoro ang mukha ko.
Hinahalukay na ang tiyan ko.

Ang huling naalala ko, nahiga na ako sa kama, katabi ko pa si Bogz.
Hindi ko na alam ang mga naganap sa labas.
Hindi ko narin naalala si Boy at Garampingat.
At ayoko naring isipin kung ano pa ang dapat nilang gawin, silang dalawa lang.

Hindi ko sila masasaway, hindi ko sila mapipigilan.
Masakit man sa kalooban na hindi ko mayayakap man lang si Boy.
Itulog ko na lang ang nararamdaman ko, kesa pilitin ko ang sarili ko na hindi ko nmn kya.

Naalimpungatan ako, biglang dumagan sa amin si Kidlat.
Madaling araw na pala, at nahimasmasan narin si Kidlat sa sobrang kalasingan.
Pinuwet niya ako.ahahahhaaa, sory ka Bogz.
Tinulak niya ako sa puwet gamit ang kanyang puwet. ehehehehe kaya pinuwet niya ako.

At sinabing lumipat daw ako sa kabilang kama.
Ansama nitong kidlat na 'to. Kasarap ng tulog ko eh.
Well, di ko alam na mangyayari ang ganun, pero wala nmng nangyari?
Lumipat ako sa kabilang kama, alam kong si Ruel ang nandoon at iyong isa pang pinaglihi sa pandadaot.

Tumabi ako kay Ruel, yumakap.
Yumakap din siya.
At ang huli kong natandaan, nilalamutak ko ang mga daliri niya.
Hindi ko alam kung bakit, gigil na gigil akong halikan ang kamay niya.
At ganun din siyang sabik na sabik na pinapasipsip ang mga daliri niya.
Fetish ba niyang ipalamutak ang mga daliri?
At fetish ko rin bang lamutakin ng daliri ng ibang tao?
Di ko alam, basta, ganun ang trip namin.

Ilang segundo o baka minuto ang ginawa namin.
Tumayo akong bigla.
Nararamdaman kong may humahalukay sa tiyan ko.
Pasuray-suray akong lumakad papuntang banyo.

Oo sa banyo, dahil may inodoro, may bathtub, may shower.
Subsob na nman ako sa bowl, dinudukot ko narin lalamunan ko para lumabas na lahat ng gustong lumabas.
Hindi ko alam, sumunod pala sa akin si Ruel.
Pumasok siya sa banyo.

Hinihimas niya ang likod ko.
At inalalayang tumayo.
May naganap sa loob ng madilim na banyo.
Narinig kong tumunog ang bakal ng sinturon, naaninag kong nalaglag sa paanan ang salawal.
Naramdaman kong may sumabunot sa buhok ko.

At nalasahan ko ang pait ng lalamunan.
Bigla akong dumukwang sa inodoro.
Lumabas ang likidong mainit mula sa bibig ko.
Hindi ko mapigilan dahil nasa bunganga ko parin ang lasa.

Gusto kong ilabas lahat ng mapait na likido mula sa sikmura ko.
Halos, laway nalang at tubig ang lumalabas.
Mainit ang lalamunan ko, mahapdi ang sikmura ko.
Nanggigil ako dahil sa kalasingan, di ko magawa ang tama.

Pero tama nga ba ang ginagawa ko?
Matatanggap ba ng mga kaibigan ko kung malaman nila ang ginawa namin?
Wala nmng nangyari sa loob ng madilim na banyo.
At walang dapat na mangyari.

Lunch time na ng gisingin nila ako.
Kakain na raw kami.
Doon na nagsimula ang tuksuhan, ang biruan, ang banatan.
Pangiti-ngiti lang ako sa mga biro nila.

Si Garampingat, nakatingin sa akin, nakangiti, pumapalakpak, at ang sabi, "I'm happy for you."
Sa sarili ko, "mukha mo, alam kong mas happy ka kesa sa kin."
May kantiyawan din pala para kay Boy at Garampingat.
Numero 69.


No comments:

Post a Comment