Showing posts with label Kaarawan. Show all posts
Showing posts with label Kaarawan. Show all posts

Tuesday, August 16, 2011

Eksenahan Part 2

Kinabukasan, laman ako ng tuksuhan.
Alam ko kung bakit, pero gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari.
Kahit di nila binabanggit ang pangalan ko, alam kong ako ang pinag-uusapan nila.
Mega-deny naman ako, dahil hindi parin bumabalik ng buo ang diwa ko.

Dahil sa palitan nila ng kwentuhan, ng mga parinig, napagtagni-tagni ko na kung ano talaga ang nangyari noong gabing iyon.
Nasa kainitan kami ng pagbi-bingo.
Taya... alog... tagay... talo.

Nararamdaman ko ng umiinit ang pakiramdam ko, humihilab ang sikmura, naduduwal sa sobrang dami ng nakain? o dahil sa tagay na sunod-sunod.
Naisip ko, sheeeet, matutulog na nman akong lasing, wala na namang mangyayari sa akin ngayong gabi.
Pinaghandaan ko na ito, na dapat may mangyari.
Nasa isip ko ng gagahasain ko si Boy. Anuman ang mangyari.

Pero nagkamali na nman ako ng tantiya.
Naaaninag ko ang mukha ni Garampingat, nakangiti, na para bang sinasabing, "Akin siya."
Wala akong magawa, nakasubsob na sa inodoro ang mukha ko.
Hinahalukay na ang tiyan ko.

Ang huling naalala ko, nahiga na ako sa kama, katabi ko pa si Bogz.
Hindi ko na alam ang mga naganap sa labas.
Hindi ko narin naalala si Boy at Garampingat.
At ayoko naring isipin kung ano pa ang dapat nilang gawin, silang dalawa lang.

Hindi ko sila masasaway, hindi ko sila mapipigilan.
Masakit man sa kalooban na hindi ko mayayakap man lang si Boy.
Itulog ko na lang ang nararamdaman ko, kesa pilitin ko ang sarili ko na hindi ko nmn kya.

Naalimpungatan ako, biglang dumagan sa amin si Kidlat.
Madaling araw na pala, at nahimasmasan narin si Kidlat sa sobrang kalasingan.
Pinuwet niya ako.ahahahhaaa, sory ka Bogz.
Tinulak niya ako sa puwet gamit ang kanyang puwet. ehehehehe kaya pinuwet niya ako.

At sinabing lumipat daw ako sa kabilang kama.
Ansama nitong kidlat na 'to. Kasarap ng tulog ko eh.
Well, di ko alam na mangyayari ang ganun, pero wala nmng nangyari?
Lumipat ako sa kabilang kama, alam kong si Ruel ang nandoon at iyong isa pang pinaglihi sa pandadaot.

Tumabi ako kay Ruel, yumakap.
Yumakap din siya.
At ang huli kong natandaan, nilalamutak ko ang mga daliri niya.
Hindi ko alam kung bakit, gigil na gigil akong halikan ang kamay niya.
At ganun din siyang sabik na sabik na pinapasipsip ang mga daliri niya.
Fetish ba niyang ipalamutak ang mga daliri?
At fetish ko rin bang lamutakin ng daliri ng ibang tao?
Di ko alam, basta, ganun ang trip namin.

Ilang segundo o baka minuto ang ginawa namin.
Tumayo akong bigla.
Nararamdaman kong may humahalukay sa tiyan ko.
Pasuray-suray akong lumakad papuntang banyo.

Oo sa banyo, dahil may inodoro, may bathtub, may shower.
Subsob na nman ako sa bowl, dinudukot ko narin lalamunan ko para lumabas na lahat ng gustong lumabas.
Hindi ko alam, sumunod pala sa akin si Ruel.
Pumasok siya sa banyo.

Hinihimas niya ang likod ko.
At inalalayang tumayo.
May naganap sa loob ng madilim na banyo.
Narinig kong tumunog ang bakal ng sinturon, naaninag kong nalaglag sa paanan ang salawal.
Naramdaman kong may sumabunot sa buhok ko.

At nalasahan ko ang pait ng lalamunan.
Bigla akong dumukwang sa inodoro.
Lumabas ang likidong mainit mula sa bibig ko.
Hindi ko mapigilan dahil nasa bunganga ko parin ang lasa.

Gusto kong ilabas lahat ng mapait na likido mula sa sikmura ko.
Halos, laway nalang at tubig ang lumalabas.
Mainit ang lalamunan ko, mahapdi ang sikmura ko.
Nanggigil ako dahil sa kalasingan, di ko magawa ang tama.

Pero tama nga ba ang ginagawa ko?
Matatanggap ba ng mga kaibigan ko kung malaman nila ang ginawa namin?
Wala nmng nangyari sa loob ng madilim na banyo.
At walang dapat na mangyari.

Lunch time na ng gisingin nila ako.
Kakain na raw kami.
Doon na nagsimula ang tuksuhan, ang biruan, ang banatan.
Pangiti-ngiti lang ako sa mga biro nila.

Si Garampingat, nakatingin sa akin, nakangiti, pumapalakpak, at ang sabi, "I'm happy for you."
Sa sarili ko, "mukha mo, alam kong mas happy ka kesa sa kin."
May kantiyawan din pala para kay Boy at Garampingat.
Numero 69.


Saturday, August 13, 2011

Eksenahan

Ang pagkakaintindihan ng dalawang tao ay minsan hindi idinadaan sa pag-uusap o sa titigan ng mata.
Bigla nalang umuusbong kapag nagkadikit ang dalawang katawan, at may dumadaloy na milyon-milyong boltahe sa mga ugat ng inyong mga katawan.

Hindi ko naisip na mangyayari ang ganun.
Nasa isip ko na, matutulog na naman akong dilat ang diwa.
Hayaan na akong mawalan wag lang ang isa kong kaibigan.
Dahil nag request siya na sana'y maging masaya siya sa pagtitipon namin, dahil kaarawan ng kaibigan namin.

Nangako na si Ruel na magdadala raw sia ng mga kaibigan para sa amin, para paligayahin kami.
Pero ng dumating, gusto na naming mag-walk-out. Ahahahaaa, ansama ng ugali lalo na si Garampingat.

Hindi ako nagpapahalata na mas gusto ko si Boy, dahil nga pinakagusto rin siya ni Garampingat, kaya di na ako umeksena.
Baka sisihin na naman ako ni friendship kapag wala siyang lalaki.
Nasa pool pa kami, dahil nga sa kaibigan ko naman si Ruel sa facebook, sa totoong buhay, at kaibigan ko rin ang kapatid niyang si Weng, siya nalang ang kinakausap ko, at habang si Garampingat ay bumabanat na ng kalandian kay Boy.

Walang masamang intensiyon, basta nangyari nalang ang ganun.
Di ko narin natandaan ang nangyari kung hindi pa pinagtagni-tagni ang mga nangyari.
Nangyari ang di dapat nangyari.

Nasa kasagsagan kami ng pagbi-bingo, lahat ng tropa ng corniche, dumating.
Tumatagay, bumubola ng bingo, sumisigaw, nagtatawanan, nagbibiruan ang bawat isa sa amin.
Hindi ko namalayan, tumabi na pala sa akin si Boy.
Naglalaro ng bingo.
Kinilig naman ako dahil nga may lihim akong pagnanasa sa kanya pero walang halong pagmamahal, mahirap na.

Bawat dikit ng kanyang braso sa braso ko, at bawat tapik ng kanyang kamay sa kamay ko, binibigyan ko ng malisya.
Binibiro kami ng karamihan, dahil kanina, hindi naman kami close, at habang naglalaro ng bingo, doon na nagsimula ang biruan lalo na't tumabi siya sa akin.
Kinikilig naman ako, pero hindi parin mawala sa isip ko kung ano ang iniisip ng kaibigan kong si Garampingat.
Mas gusto niya si Boy, sa pool palang, pero bakit biglang nag shift sa akin ang pangyayari?

Aaminin ko, gusto ko ang nangyayari. Hindi man boyfriend-material si Boy, at hindi rin for public display, pero pwede na ring maipagmalaki.
Nakita kong nakatingin si Garampingat sa amin, nakangiti.
Pero may nababasa ako sa kanyang mga labi, "MANG-AAGAW!" ahahahaaaa.

Malakas na tawanan, mga nakakapikong biruan, at sunod-sunod na tagay ang nagpatimbuwang ng diwa ko.
Maya-maya lang, nasa kanlungan na ako ng inodoro.
Alam kong kinutsaba ni Garampingat ang mga kaibigan ko na tagayan ako ng todong-todo.
Dahil alam niya na lumalabas lang ang pagkamalandi at kapal ng mukha ko kapag lasing na ako.

Nagwagi parin siya, nakuha parin sa akin si Boy.
Pero wala akong laban, mahina na ako, hindi ko na namamalayan kung ano ang nangyayari sa paligid.
At kaming dalawa ni Garampingat nagbibigayan, kung sino ang nauna, kung sino ang may gusto at kung sino ang ginusto, wag na umepal pa.

Kumbaga sa kompetisyon, alam ko ng ako ang mananalo, pero nakukuha parin niya ang korona.
Ikaw na ang maging tunay na reyna, walang pamana ang mga baguhan sa datihan.
Nawalan na ako ng ulirat dahil sa sobrang kalasingan.
Ang maipagmamalaki ko lang kay Garampingat, hindi niya ako pinababayaan kapag ako ang nalasing.

May mga pictures at video pa nga yan pag nalalasing ako, iyong nakasubsob na ako sa inodoro, iyong nahuhulog sa kama, pero hindi niya pinapakita sa akin, sa iba ko lang na friends.
Naging mataginting ang halakhak ng bawat isa sa amin, naging memorable ang kaarawan ni Bogz.
Naging kontrobesiyal ang nagdaang gabi, pero ang sabi ko sa sarili, "What happen in Vegas, will stay in Vegas".

to be continued kung ano talaga ang tunay na nangyari noong gabing iyon, kung sino ba tunay na naging masaya.