Tuesday, April 26, 2011

Akyat-Bahay

Nauuso na pala sa lugar namin ang akyat-bahay.

Pero malabo akong maniwala dahil nangyari raw ito sa isa sa mga kakilala kong baklang sinungaling.

Ayon sa kanya, tulog naraw ang lahat, hindi nila namalayan ang pagpasok ng magnanakaw.

Kinabukasan, nawawala ang scooter bike, at ang laptop.

Ang tanong... saan inilagay ang scooter bike? at nasaan ang laptop?

Kung nasa labas ng bahay lamang, pwede pang paniwalaan na ninakaw ang scooterbike.

Pero ang laptop? Sa sala? sa loob ng kanyang kwarto?

Ilan silang natutulog sa loob ng kwarto at hindi nila namalayan ang pagpasok ng magnanakaw?

Henaku, sana lang bago ka gumawa ng kwento, siguraduhin mong walang paltos, makatotohanan.

Minsan kana naming nabuking, dahil walang pambayad sa lalaki kaya ang sarili mong gamit ang pinamimigay.

Pero sayang naman sa ngayon, malaki-laking halaga rin ang nawala.

Kung totoo mang ninakaw nga iyon, mag-ingat ka nlang sa susunod.

Desktop na lang ang bilhin mo para hindi na manakaw.

At ipasok mo na rin sa kwarto mo ang scooter bike na bago, para siguradong hindi na manakaw ulit.

Saturday, April 23, 2011

Baliko

Balisa parin si Moosa, malapit ng magdilim pero wala parin siyang nahahanap na lalaki.

Hindi ko rin naman matawagan ang kaibigan kong syriano, walang akong load sa mobile.

Buti nalang, to the rescue naman si Garampingat.

Tinawagan niya ang kanyang suking taxi driver.

Ilang saglit lang, dumating na, at pumasok na silang dalawa ni Moosa sa kabilang kwarto.

Nakahiga sa couch si Garampingat at ako nman sa kama.

Di ko namalayan nakatulog pala ako, maya-maya narinig kong pumasok ulit si Moosa.

Ayaw daw niya kasi malaki at baliko ang kargada.

Kinausap ako ni Garampingat, pero umayaw ako.

Hanggang sa umuwi nalang yong taxi driver, at sumama narin si Garampingat, uuwi na lang daw muna siya.

Thursday, April 21, 2011

Sign out

Kapag ang condom nabutas, bata ang lalabas, at hindi mapagkakatiwalaan ang condom TRUST.

Parang sa tao rin, kapag hindi mapagkakatiwalaan, wala ng trust.

Galing ako sa Dubai, umuwi na si Sam papuntang India.

Una kong binuksan ang computer, double click sa harddisk at binuksan ang isang folder.

Ghost whisperer na naman.

Karir kung karir sa panonood kay Melinda Gordon.

Minsan naisip ko na sana ako rin makakita at makausap ng mga ghosts.

Galing sa trabaho si Melinda Gordon, pagkapasok niya ng bahay, laptop kagad ang inatupag niya.

Hinanap niya kagad sa penthius ang mahalagang bagay na gusto niyang malaman.

Pero hindi niya inaasahan na iba ang makikita niya.

Isang sulat, na naglalaman ng isang lihim, mula kay Delia Banks.

Biglang uminit ang kanyang tenga, naningkit ang mga mata, at kumulo ang dugo.

Sa kabila ng pagiging magkaibigan nila ni Delia, nakuha parin siya nitong lukuhin, pinaglihiman, at ng asawa niyang si Sam na ngayon na dating Jim Clincy noon.

Gusto niyang magwala, gusto niyang umiyak, pero pinigilan niya.

Hanggang sa dumating na ang kanyang asawang si Sam.

Hindi parin siya nagpahalata, naging magiliw parin siyang nakipag-usap.

Inisip niya, darating din ang tamang panahon, para mag-usap usap silang tatlo.

.....

Kapag nangyari din sa akin iyon, gagawin ko rin ang ginawa ni Melinda Gordon.

Ilihim ang lahat at hintayin ang tamang oras.


Wednesday, April 20, 2011

I-PAD

Dumating ako sa flat ni Sam sa dubai around past 10 ng gabi.

Wala pa siya at nasa Abu Dhabi pa raw.

Madilim sa loob, pero nandun pala ang kasamahan niyang si JC.

Binati ko siya ng "Musta kana", pero hindi yata ako narinig.

Nakasungalngal kasi ang earphone ng I-PAD niya at nanonood ng movie.

Hindi ko na rin pinansin kahit na kumakain ako ng KFC Rizo, hindi ko siya niyaya.

Bakit ba? Hindi ko naman din siya gustong tumira sa flat ni Sam.

May braces ako pero hindi ako ganun kaarte magsalita.

Pakialam ko kung nurse siya by profession, e gym trainor nman ang bagsak niyang trabaho sa Dubai.

Una ko palang siyang nakilala, hindi ko na nagustuhan ang ugali niya.

Diwata

On this day, a blogs called DIWATA has created.

Blogs which intends to make us happy, to make us think how to love, value life...