Sunday, October 16, 2011

Larawan

Nakita ko na siya sa picture.

Nababanaag ko, may ibang kislap ang kanyang mga mata.

Ang mga ngiting parang si Monalisa.

Minsan, pinangarap ko siya... kahit isang gabi lang.

Pero di ko akalain na magiging totoo ang lahat ng pangarap ko.

Minsan akong dumayo sa kaibigan ko, nakita ko na rin siya sa personal

Slim... dark... at nandoon ang mga ngiting laging may ipinapahiwatig.

May isa pang binata, pero hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Akay akay niya ang kanyang anak. Minsan nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya.

At may pagkakataon ring nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

Maraming tao kaya hindi napapansin ang minsang nakaw na tingin namin sa isa't-isa.

Natapos na ang seremonyas, kami nama'y inuumpisahan na ang tagay.

Doon namin nakilala ang isa't isa.

Hinahayaan ko lang ang isa kong kaibigan na makipagkwentuhan o makipaglandian sa mga bisita.

In the end, madali siyang nalasing at nauna ng natulog.

Naiwan ako, at siya, at ng iba pa naming kainuman.

Kapag tumatayo ako upang pumunta ng toilet, inaalalayan niya ako at biglang pipisilin ang kamay na parang may ibig ipahiwatig.

Naramdaman ko iyon, sa bawat punta ko, at sinusuklian ko rin ng pisil ang kanyang kamay.

Minsan naubusan kami ng alak, dalawa kaming bumili at kailangan pa naming bumili sa bayan.

"Pano yan, kaya mo pa bang magdrive ng motor?"

"Oo naman, di pa naman ako lasing, kumapit ka lang sa akin ng mahigpit."

"Saan ako kakapit?"

"Pwede mo akong yakapin, para hindi ka mahulog."

Iniyakap ko sa katawan niya ang kaliwa kong kamay, mahigpit, at may ibig sabihin.

Pinatakbo na niya ang motor.

Naubos namin ang huli naming binili. nakita ko siyang nakatulog na sa upuan.

Sinabi ko sa mga kainuman namin na dadalhin ko lang siya sa kwarto niya para makapatulog ng tuloy-tuloy.

Ngunit pagbalik ko sa mesa, wala na sila, ipininid ko nalang ang pinto at tuluyan na akong pumasok sa kwarto niya.

Nakadapa siya, himbing na himbing ang tulog.

Tinabihan ko siya at niyakap, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Bahagya siyang kumilos at tumihaya. Nakayapos parin ako sa kanya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kumilos na lamang ng kusa ang aking kamay, may hinahanap, may dinudukot.

Tumigil sa isang bagay na matigas. Hinimas... pinisil... mas lalong tumigas at ngayo'y mainit na mainit na.

Biglang tumayo ako at doon ibinababa ko ang kanyang salawal. hindi ako nahirapan dahil kusa niyang iniangat ang kanyang puwetan.

Tinanggal ko lahat kasama na ang brief. Naaaninag ko ang kanyang payat na katawan sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Nilanghap ko ang hawak na iyon at kinabaliwang pinaglaruan.

Taas baba ang ulo ko, at umiindayog ang katawan niya, sumasabay sa retmo ng pagnanasa.

Ilang minuto ring nilasap ko ang kalayaan ng lalaking minsan ko lang nakita sa larawan pero ngayon ay nasa harapan ko na.

Nalasap ko narin ang init ng kanyang katawan na lingid sa kaalaman ng lahat, nagpainit narin sa buhay kong diwa kahit sa larawan lang.

Nang gabing iyon, pag-aari ko siya, naangkin ko siya, nadama ko ang init ng kanyang pangungulila, at nayakap ko ang sumasabog niyang pagnanasa.

Pagkatapos ng lahat, muli siyang mawawala sa paningin ko, at sa bandang huli, sa larawan ko na lang siya makikita.

Pero ang lahat ng ito'y isang malaking lihim na hindi dapat malaman ng iba.

No comments:

Post a Comment