Monday, November 28, 2011

Ano ito?

Heto na naman ako.

May nakapiling, may nakasiping.

Pinipigilan ko ang sarili ko.

Ayoko ng sundin ang motto ko na "TRUE LOVE begins at ONE NIGHT STAND".

Pero hindi naman iyon "NIGHT" nangyari, kundi alas otso ng umaga.

At naulit muli ng alas-tres ng hapon.

Pilit kong iwinaksi sa isip ko na wag siyang isiksik sa isipan ko, lalo na sa puso ko.

May asawa, may anak, at galing sa mga palad ng isang garampingat.

Hayaan ko nalang na lumapit siya sa akin, at damhin ulit ang init ng pagnanasa.

Pero pipigilan kong painitin ang nadarama sa puso ko.

Hanggang doon nalang.

Just a simple "ONE NIGHT STAND"...

Ay mali... "ONE MORNING STAND" pala.

No comments:

Post a Comment