Sunday, May 1, 2011

Friday

Hindi ko alam na nandun rin pala sa club si ALSO, ang isa sa mga pinapantasya kong lalaki.

Nasa committee siya ng basketball.

Alam kong nakita na kagad niya ako at kasama si Utog.

Naisip ko na lang na bahala na, si Utog naman ay nadadalaw lang sa akin kapag gusto niya.

Pero si ALSO, gusto ko na siya, matagal na pero ayaw niyang maniwala dahil sa marami daw akong lalaki.

Tinapos lang ni Utog ang isang laro, umalis narin siya pabalik sa pinagtatrabahuhan niya.

Malayo din ang lalakbayin noon, mahigit-kumulang tatlong oras ang biyahe.

Pagkatapos ng basketball, volleyball naman ng mga babae.

Iilang officers ng club lamang ang nandun, kabilang na ako.

Tinawag ako ni Madam President para kami na ang magtala ng score.

Di ko akalain na andun pa pala si ALSO.

Hindi naman ako makaalis sa pwesto ko dahil walang papalit.

Matagal ko ng pangarap si ALSO, ilang beses ko na siyang niyaya sa bahay, pero complicated sa oras niya.

Lagi siyang panggabi, at kung gusto naman niyang pumunta sa bahay, meron din akong dahilan kaya hindi siya nakakapunta.

Ilang buwan narin kaming parang nagpapatentero kung kelan siya ppunta sa bahay.

Minsan nga, tumawag siya ng madaling araw, wala raw kasi siyang magawa sa trabaho at kinabukasan pa ng gabi ang pasok niya.

Matagal-tagal sana naming pagsasama, kaso walang -wala akong pera, binayad ko sa kulang sa referee.

Kaya hanggang ngayon, di ko alam kung kelan ko siya masosolo.

May sinabi rin siya sa akin noon, na makikipag relasyon siya sa akin, kapag hiwalayan ko ang mga lalaki ko.

Natameme ako, hindi nakaimik.

No comments:

Post a Comment